![]() |
| image from Google |
Palalim na ang gabi. Mag
aalas onse na ngunit ang isip ni Monique ay sadyang napakalayo. Hindi siya
mapakali, hindi niya alam kung ano ang mangyayari bukas. Ang daming problemang
dumadating sa buhay
niya. Peers, trabaho, boss at pag-ibig ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog gabi-gabi. Hindi masyadong naging problema
ang pera sapagkat nakakaraos naman sila. Paminsan-minsan ay magdamag siyang
nag-iisip kung ano ang kailangan niyang gawin upang masulosyunan ang kanyang
mga problema. Hindi niya namalayan na titig na titig pala siya sa
glow-in-the-dark na wall clock sa kwarto. Eksaktong alas onse na at ang
katahimikan ang bumalot sa kanyang paligid. Natapos na ang kanyang pag-iisip.
Ipinikit ni Monique ang kanyang mga mata.
***
“Monique!”
sigaw ng nanay niya habang humihiwa ng mga sibuyas sa kusina.. “Kailangan
munang bumangon at baka ma-late ka sa trabaho mo anak!”
“Gising
na po ako inay!” sigaw ni
Monique.
“Itong baklang to, sabi ko naman
sayo na matulog ka ng maaga ng magising
ka rin ni maaga.” Sumbat ni Nenita, ang nanay ni Monique.
“Itong si inay, kung makapagsalita
eh, parang barkada lang tingin sa akin.” Sabi ni Monique.
“Eh kasi naman ikaw, diba tugon ko
sa’yo na wag ka ng magmuni-muni pag gabi. Masama sa kalusugan ang sobrang pag-iisip”
“Ano ba yung almusal ko inay? Yang
niluluto niyo o yang salita niyo?” pakli ni Monique
“Oh sha-sha, ito na yung almusal
mo. Ako ay uuna muna dahil mali-late ako. Paki gising kay Rod at Sam. Maaga papasok
ng mga yun”. Tugon ni Nenita kay Monique.
“Oh sige inay. Umuwi kayo ng maaga
dahil magluluto ako ng pagkain para sa hapunan”
“I will. See you late” Paalam ng
kanyang inay.
Si Nenita ay isang Secretary ng
isang International company. Almost 5 years na siyang nag tra-trabaho sa kompanyang
kanyang pinapasukan at sa awa naman ng Diyos ay maganda ang naging takbo ng
kanyang trabaho. Malaki ang sweldo at medyo nakakaraos din sila.
Sinipat ni Monique ang wall clock
na nasa sala, mag aala sais na at kailangan niya ng maligo. Sampung minuto ang
dumaan at natapos na ni Monuqie ang kanyang pagligo. Dumaan siya sa kwarto ng
magkapatid upang sila’y gisingin. Nang magisging si Rod at Sam, unang naligo si
Rod dahil sa siya ang mas nakakatanda. Nakaugalian na nina Rod at Sam na ang
unang maliligo ay ang nakakatanda. Si Rod ay sampung-taong gulang habang si
Samanta Clarisse o mas kilalang Sam ay siyam na taon. Makaraan ng kalahating
oras ay natapos ng maligo ang dalawa habang si Monique ay hinahanda ang mesa
para sa agahan.
“O, kain na kayo at baka dumating
na ang school bus niyo” anyaya ni Monique ng makitang tapos ng magbihis ng
school uniform ang dalawa.
“Kuya, ano ang ulam?” Tanong ni
Rod. Kahit Monique ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya eh gusto parin
niyang tawagin siya ng kanyang mga kapatid na “kuya”. Hindi naman cross-dresser
si Monique. Ang pananamit niya ay halos magkatulad sa mga bi-sexual.
“Ewan ko kay nanay. Hindi ko rin
alam kung anong tawag niyan eh, pero masarap yan” sabi ni Monique.
Saktong tumunog ang busina ng
school bus nila ng matapos ng kumain ang dalawa. Ala syete na at dali-daling
nagsipag handa sina Rod at Sam. Ng handa na ay humalik ang mga ito sa pisngi ni
Monique sabay sabi “ingat Kuya” saka lumabas sa bahay at sumakay school bus.
Ng makitang nakaalis na ang school
bus ay nagbihis narin si Monique ng kanyang uniporme. Kulay blue na long-sleeve
ito na naka tuck-in sa kanyang slaks na pantalon na tinirnuhan ng tik-tack na
sapatos. Kumuha ng neck-tie si Monique sa kanyang drawer at isinabit sa leeg.
Nag mukha siyang isang napaka-gwapong lalaki. Buhok niyang “mojo cut” ang
siyang nag pamukha sa kanyang lalaki. Kahit siya man ay ayaw niyang humaba ang
buhok niya dahil ang pagiging bading niya ang nilagyan niya ng limitasyon.
Lumabas si Monique sa kanilang
bahay at tumungo sa garahe. Kahit papaano, nakapag-ipon din si Monique at
Nenita para sa kanilang bahay. Pinag-iponan nila upang may maipag malaki sila
sa sarili nila. Ng tumungo si Monique sa garahe ay dali-dali niyang binuksan
ang kanyang 2nd hand na sasakyan. Kahit medyo luma na ito, hindi mapagkakaila
na na-maintain ni Monique ang “gara” ng sasakyan. Mukha tuloy itong brand new.
Binaybay ni Monique ang highway
patungong opisina. Hindi masyadong ma-traffic ng araw na yun kaya madali siyang
nakarating sa opisina. Ng ma-park ang sasakyan sa basement ng kompanya ay
dumirtiso agad siya sa elevator at pinindot ang button “5” kung saan naka
locate ang opisina niya. Malaki ang kompanya kaya halos floor ay iba’t-ibang
department ang naka assign. Sa unang palapag ay sa Receiving, sa ikalawa ay sa
Mail Department, sa ikatlo ay sa IT Service department, sa ika-apat na floor ay
ang Finance department at sa palapag naman ni Monique ay ang Marketing
Department na kung saan ay siya ang Marketing Manager ng kompanya. Kahit medyo
mataas ang posisyon niya ay hindi niya maiwasang mamroblema sa pera. Sabi pa
niya sa nanay niya “Malaki nga ay sweldo, dami namang deduction dahil sa
insurance, utang at iba pa.” Ngunit ang boss ni Monique ay ang General
Marketing Manager ng kompanya kung saan kinaiinisan ng taga 5th floor at pati
siya ay naiinis narin. Matandang dalaga kasi at napaka-perfectionist at moody.
Wala silang magagawa dahil boss nila ito. Ng mag bumukas ang pinto ng elevator
ay naghihintay sa kanya si Therese, ang bestfriend niya na mula high school at
ngayon ang kanya itong Secretary.
“Bes, hinahanap ka ni Ms. Lavira.
She wants you in her office by 8 AM today. She’ll discuss to you the upcoming
marketing plan for this year” Bungad ni Therese kay Monique.
“It’s almost 8. Can you tell her
Bes na papunta na ako sa office niya. I’ll just check my PC kasi may hinihintay
akong e-mail” aniya.
“Copy!” ang naging sagot ni
Therese.
“Thanks! By the way Bes, sabay
tayo uwi mamaya. Doon ka mag dinner sa bahay ha.” Pakli ni Monique at tumango
naman si Therese sa sinabi ito.
Pagkarating ni Monique sa kanyang
opisina ay agad niyang binuksan ang kanyang e-mail ngunit wala parin siyang
mensahing natatanggap galing sa taong kanyang hinhintay. Tumayo siya at
nagtungo sa mga drawer niya at kinuha ang mga importanting folders na alam
niyang kakailanganin mamaya sa meeting nila ni Ms. Lavira. Lumabas siya sa
opisina at nginitian siya ni Therese at dumiritso sa opisina ni Ms. Lavira na
nasa dulo ng hallway ng 5th floor.
Nasa harap na siya ng pinto at
hindi niya ma-explain ang nararamdaman sa tuwing nababasa niya ang signage ng
nasa pinto. “Ms. Lavira Exchure, General Manager”. Halos hindi siya mapakali.
Sa tuwing papasok siya sa opisina ni Ms. Lavira ay hindi niya maintidihan ang
aura ng apat nasulok ng opisina nito. Wala itong sekretarya dahil kakatanggal
lang niya ng sekretarya niya. Naghahanap pa ng pampalit ang HR department para
sa natanggal na sekretarya na hindi nila malaman kung ano talaga ang dahilan
kung bakit tinaggal niya ito.
Kumatok si Monique ng tatlong
beses sa pinto.
“Come in” ang tipid na sagot ng
taong nasa loob ng opisina.
to be continued ..

No comments:
Post a Comment